September 11, 2011

Hey hey 164!


Remember about my job application a week after I took the NLE? I got it and I’ve been training there for a month now. I had my final interview first week of August, and I started last August 8. My mindset was just to work, work, and earn to be able to assist me on my needs in the future. When I mean needs, these are my fees for seminars, trainings. Plus I want to be able to provide a little something for my family.

I want to become a Nurse so don’t get me wrong. God knows my heart’s desires so nobody has the right to judge me why I am in the call center. My parents, my aunt who financed me at school (college) they support my decisions and they know why I am doing this.

I didn’t know Id be able to find a family there. I didn’t even anticipate the fact that I will be able to build a relationship with my wave164 family. They are different people, different personalities but I love them. I saw the other side of the world in them. The side that I thought I knew but I didn’t. I’m glad I met them. 
We were first 12 in the group. Me, M, Anne, Zhe, Ate Malou, Kuya Lawrence, Merrill, Jed, Liz, Rey, Mark and Rich. On our first week, Liz said her goodbye because she was pregnant. Mark didn’t continue, too because of another job. So it was just the 10 of us left. Second week of training, there was an addition to the group, Conrad and Ate Ruth (Ate lothhh). The sad part is, Rich needed to leave. 3rd week of training, Conrad left too. Every day, we get closer and closer. On our 4th week, Ate loth has gotten back at the floor. So it was just the 9 of us left. Sad thing was..earlier this morning, 3 has to say goodbye, 6 will move on. Sucks. I’ll surely miss Zhe, Anne and Rey. But people come and go. I know God has better plans for them.  

I love my 164 family. M, Anne, Zhe, Ate Malou, Ate Loth, Liz, Merrill, Mark, Jed, Rey, Kuya Law, Rich, Conrad and our friends on Alorica itself Ramir, Ces, Malows, Shanon and Ryan. I am glad i met these beautiful people.
Meet Rey! The future dad! 


with Ann! (Mary Ann Estolano)
The fortuneteller. Haha. Kidding!
The cute mom :-)


ATE LOTH (Ruth Fabellon)
Gorgeous Mom!


Jed (Joey Edralin Manalo)
The weirdo. Joke lang, Jed!
The man with the third eye! HAHA. Creepy! 
The youngest in the group.


Ate Malou. MADAM! (Marilou Quiñones)
the VERIZON Queen. 
With Zhe. (Jherlyn Bolado)
The tough Zeh!

Merill (Merrill Luke Atienza)
The baby in our group.


 Ces (Ceasar Olan.)
Our PST Trainer. HAHAHHA.
The cool guy? hahaha.
M (Mary Ann Chavez)
The hot chick :P

Conrad. (Conrad Balmes)
The chickboy. Ha-ha.


Ramir (Ramir Panaligan)
The very helpful and supportive L3/TL.


THE MARY ANN's.
Mary Ann Muñoz (me)
Mary Ann Chavez (M)
Mary Ann Estolano (Ann)



BOYS with Malo.
Malo is the Big guy who inspired us a lot.
L-R: Rich, Rey, Mark, Jed, Merrill.


Girls with Kuya Lawrence Magbintang








with Shanon :-)
I just love you guys. I do. I will miss you all. 

September 10, 2011

NOTES!


Let me just put it this way. Haha. These are the notes that I’ve been scribbling out on my phone few months ago. Let me just share these notes. =’)


1st NOTE: ETO ANG HULING.
Eto na ang.. (inspired by the Ultimate, Carl Balita)

Last 2010
ang huling Birthday ko na hindi ako RN.
Huling bday ng nanay ko na hndi ako RN.
Huling xmas, newyr, fajutagana event na hndi ako RN.
Huling simbang gabi na hindi ako RN.
Huling anniversary na hindi ako RN.

Ngayong 2011 ang:
Huling Fiesta ng Lipa na hindi ako RN.
Huling HolyWeek na hindi ako RN.
Huling Valentines na hindi ako RN.
Huling Bday ni baby na hindi ako RN.
Huling Bday ni Papa, Lolo, Kuya Frank, Paul and sean, na hindi ako RN.
Huling bakasyon na hindi ako RN.
Huling birthday ni Patten na hindi ako RN.
:)))

So sa loob loob ko, papanindigan ko to!! 

2nd NOTE: 11 THINGS

Typing while on my way to Lipa. Its a Saturday afternoon, 4:10pm of June 11 '11. I have no idea why I immediately took my phone out of my bag and be in the memo. I just want to share these things:

1. At the moment, I'm happy. There's a 0 burden in my heart. I'm more likely carrying a much joyful heart right now. The activity we did at the end of the review was very relieving. And I promised to myself, I aint gonna look back on those burdens that have been contributing a lot of factors for my heart to feel heavy.

2. I am determined to make myself much ready. 

3. I know with all the things I've been doing, God knows what exactly the desires of my heart are. 

4. I know God will always be with me. I know He wants to prosper me and not to harm me. With this, I am very certain.

5. I know my family, and the people who care for me pray with me.

6. I am determined to fly high. 

7. I want to make my everyday an opportunity to become better.

8. I want to make sure that I spend my time loving other people and the Lord, because that's what life is all about. (This has always been my morning prayer)

9. I will be successful, and with my success I bring others along with me. 

10. I trust myself. I believe in myself. I know why I want this.

11. Lastly, I know I am going to make it far because my God is Good, my God is Great and my God is Almighty. 

11 things which I am more certain on the 11th of June. I feel good. My soul feels better. 

(A little note I typed while I'm currently sitting on the first row on the bus to Lipa. Have no idea when will I be posting this. Ciao!)


THERE ☺




the little kid


STRAIGHT FROM THE HEART.


Maraming Salamat po sa inyong lahat. Nakaka-taba po ng puso lahat ng greetings nyo.

Gusto ko pong magpasalamat sa mga taong ito: Sa inyo, na hindi ako kilala personally pero bumabati sakin. Maraming Salamat.
Sa Abnuins. Im glad I made you proud. Lakas nga natin kay Lord. Salamat sa sobrang pagdadasal nyo at pagpapalakas ng loob ko, I love you guys. Saya. 


Sa mga kaibigan ko ng high school, na pag karating ko sa sm food court ay may mga banner effect pa sa tissue nakalagay na Mary Ann F. Munoz, RN. Congratulations. Kayo na kahit sino nadaanan natin ng gabi ng August 20 ay sinabihan niyo na RN na siya (pointing at me). Sobrang salamat. Sa suporta nyo, all these years. Maraming Salamat.




My BSN 1 & II-11 classmates. Thank you ng sobra sa lahat ng pinagdaanan natin. Salamat sa masasayang alaala. 






BSN III-IV 10. Congratulations sa ating lahat! Sigurado pare-pareho tayo ng nararamdaman sa ating pagpasa. Maraming salamat sa mga dasal nyo, at suporta. Sa mga December NLE warriors, kayo na ang next! :)



Salamart rin sa mga kaibigan ko sa YFC na ipinagdasal ako. Maraming salamat. My friends in YFC, thank you for your prayers. You know who you are.

My TB (Tropang Bryan) friends, thank you for believing so much in me. Mapa-BBM at facebook, sobrang positive at sure ng lahat ng sinabi nyo sakin.


Sa wave 164, 4/4 RNs kami. Salamat sa inyo na talagang nagsasabi na pasa kami dito. Glad we made it M, Zhe and Merrill..

Sa mga CI ko nung college, lalo na sa mga nag-motivate sakin. Maraming Salamat po. Sa totoo lang, hindi ako kasama sa mga ni-recommend ng college namin na kumuha ng NLE. Imbes na ma-discourage ako sabi ko sa sarili ko eh papatunayan ko sa inyo na kaya ko.

Sa review center ko, Carl Balita Review Center. I made theright choice. Walang araw na lumampas nung Final Coaching na hindi nyo pinaramdam na hindi kami papasa. Im glad I chose CBRC. Hindi puro aral, mas maraming motivation. Mas maraming oras na pina-realize samin why we need to pass, why we need to make it. At yun nagging vehicle ko to get what I want and be motivated enough.

Sa kasama pos a household ng mga magulang ko, ilang araw bago ang NLE, alamko po sama sama nyo po ako ipinagdasal, isang araw bago ang result sakto nasa bahay po kayo at ipinagdasal nyo po ako, wala napo ako mahihiling pa. Ang dami nyo pong dasal.

Sa iba ko pang mga kaibigan na before and after the NLE, nagtiwala, you know who you are, Maraming Salamat talaga ha.

My Uping Family. 
Linlyn, sobrang thank you. Seatmate kita simula thirdyear, hanggang sa board exam tayo parin magkatabi. Sa room habang nagboboards, sabay natin nilalabanan ang 'antok' (haha) . At ang mga pastillas natin na bonggang nakalagay sa desk natin. Nag-gigisingan tayo pag may isang nakakatulog sa board. Kahit hindi natin pinalampas ang Np1-Np5 nang hindi nakatulog, eto tayo. We made it. At lagi magkasunod pangalan natin. Sarap.



Heds, sobrang salamat. My duty partner-in-crime. Asot pusa tayo pero sobra tayo magmahalan. Naalala mo nung boards, nasa kabilang room lang ikaw, magkikita kita tayo pagkatapos. 



Len, Heds. Eto ung pangarap nating 3. Sama sama tayo. Sa puyatan, sa kwentuhan, sa katamaran (hahaha), sa pa-late-an, sa pagdadasal, (sumimba pa nga tayo kahit misa sa patay eh. Haha), sa mga di pagkakaintindihan. Eto parin tayong 3. Buong buo. Tanda nyo pag pinaguusapan natin na hindi natin maiisip kung may isa sating 3 ang babagsak, eto nga. Binigay nga satin ni Lord yun. 


Upings, kahit may kulang sating isa, sobrang nagpapasalamat talaga ako kay Lord parin dahil kayo ang nakasama ko. Sa pagdadasal, yung isa isa tayong magdadasal tapos nag-iiyakan na pala habang nagdadasal. Yung pupunta tayo sa divisoria para mag-liwaliw at siksikan. Yung mga-bibigayan tayo ng mga pulang underwear sa isat-isa. Naalala ko pa, nung July 1, pumunta tayo sa Quiapo. First Friday. Siksikan. Ang init. Talagang kapit kapit tayo, dala buong sandata natin sa board exam, simula sa uniform, panty, bra, ballpens, pencils, envelopes, noa, panyo, sapatos, stockings, lahat na ng pwede ipa-bless. Pina-bless natin. At iyak na tayo habang nakanta dahil si Linlyn biglang umiyak ng nakita si Tita Evelyn, kaya tayo nadala narin. Napakasikip, napakahirap, pero worth it. 


Ung gabi bago mag-boards, nag-retreat pa tayo. Kaya pati si Tita Evelyn, pugto rin mata kinabukasan. Naalala ko pa, magbbrainstorming tayo, kanya kanyang opinyon. Samu't saring pananaw. Naalala niyo ba nung gabing nanalo si Marcelito? Inantay talaga natin sila, nung nakita ni Oca na may sasakyan ng artista sa baba (nasa 7th floor tayo), dali dali tayong bumaba, si Lindsay, Ako at si Oca. Dala dala mga reviewer natin at na-star struck tayo kay Jovit Baldovino. Sumama pa nga si Car at sina Heds, at hinantay natin si Marcelito sa lobby ma-congratulate lang natin siya. Probinsyana. Pero sa loob loob natin, Wow! Good Sign to! Home of the winners pala to! Tapos don rin pala nakatira si Congratulations kaya lalo na tayong nasiyahan. Mga araw na nalalapit, nagtataka tayo, hindi tayo kinakabahan, sabi nga natin. Sobra sobra ang power ng prayer. Sama sama tayo sa 2 linggo bago ang boards, gigising, mag-gigisingan, maghaharutan, mag-bbrainstorming, mag-kukulutan, mag-susulat sa salamin ng 7b2 ng kung ano ano, magkakapit ng Papasa tayo! RN na tayo! Sama sama sa pagpapatibay ng loob ng bawat isa, sama sama sa lahat. Congratulations satin. We made it! Eto ung pangarap at talagang ipinagdasal natin.  

Sa mga taong nagdasal po para sakin, sa boyfriend ko, si Patten. Hindi alam ng mga tao kung gano moko ipinagdasal. Diba nung Board Exam ko, unang araw, pumunta ka pa talaga. Nung padalwang araw, nagdasal ka ng lahat ng mysteries ng nakaluhod, sobrang salamat dahil ikaw naging shock absorber ko. Sa mga araw na kahit magkalayo tayo, sabay tayo magdadasal. Sa mga araw na napapalapit na board, ikaw ung laging magsasabi na pasa yan! Ikaw pa nga ung unang nakakita ng pangalan ko eh. Nauna kapa sakin. Maraming salamat sa lahat ng pagod, sakripisyo, suporta at dasal mo. Higit sa lahat, salamat sa pagmamahal. Ma-swerte ako sayo. Sa pamilya po ni Patten: Tita Beth, hindi pa po ako nag boboards sobrang pinapalakas nyo na po loob ko. Un nga pong hindi pa po nalabas result nag-popost na po kayo agad sa wall ko, sobrang salamat po. Alam ko po sobra nyo po ako ipinagdasal nina Tito Sammy, Tita Thelma, Yuniz at Oyo boy jan. Maraming salamat po. Kay Kuya Patrick at Jaica, salamat. Pinalakas nyo loob ko. Salamat, alam ko nagpa-mass pa kayo para sakin. Jaix, thank you. Ikaw kasama ko nung nalaman ko na pasa ako. Sobra akong panic ng mga oras na yun. Sabi ko sayo nung hindi pa nalabas result, please be strong ha kasi ako kabado na talaga at nangingiyak, salamat sa  pag-iyak mo kasama ako. Kuya Kirby and Ate Aiz, thank you. Nangunguna kayo sa greetings kahit wala pang result, haha. salamat talaga! sa Vergara family  salamat po sainyo. Nanay Ida, you have been like a mother to me at bago ako umalis pa-manila lagi mo sinasabe sakin sure ka na papasa ako. salamat sainyong pamilya Nanay. Maraming Salamat po at talagang itinuring nyo na po talaga akong parte ng pami-pamilya niyo at masaya po ako na naging masaya rin po kayo sa naging resulta nito.

Hindi ko alam kung pano papasalamatan ang pamilya ko.

Mama, thank you for inspiring me. Kahit magkalayo tayo, hindi ka nag-fail to be there. Ilang minuto bago mag-umpisa ang exam ko, natataranta ka kasi sabi ko sayo inaantok ako. Ikaw ung parang mag-eexam. Grabe dinasal mo. Alam ko. Hehe. Ikaw yung nag-papanic pag di ako nag-aaral.  Ma, deserve na deserve mo to. Wala akong masabing mahaba. Alam ko kung nandito ka lang, ikaw unang iiyak kasama ko. ikaw unang magbabalita na pasa ako. Wag kana sad na hindi tayo magkasama, magkakasama rin tayo. Alam ko napasaya kita. Alam ko sobrang grateful ka rin. Masaya ka pag masaya ako eh. Sad ka pag sad ako. Syempre, magkadugtong tayo. At Ma, alamo para sayo to. 

Si Papa, two weeks before I took the NLE. Sabi ko kay Papa, Pa, pray over moko. Habang pine-pray over ako ng tatay ko at ng bunso kong kapatid, iyak ako ng iyak. Halo halo emosyon. Sabi ko kakayanin ko to. Nung tinext kita Pa na pasa ako, umiyak ako nung nagreply ka na ‘Salamat at dininig ng Dyos panalangin ko’. Umiyak talaga ako kasi un ang isa sa mga reply mo na hindi ‘K’. Hehe. Loko lang. Pero iyak na talaga ako.

Kay Franz, bunso kong kapatid na alam ko ipinagdasal talaga ako. Thank you bunso.

Kay Kuya Doods, Ate Melba and Dom, salamat at lagi nyo ko pinagdadasal. Malayo man kayo, ramdam na ramdam ko suporta nyo sakin.

Kuya Franton, Ate Apple, Paul & Sean, salamat sa pagdadasal nyo para sakin. Sa hugs and kisses ni Paul and Sean na nakakapagtagtag ng kaba. Yehey, nurse na si Menmen. Sabi mo nga Kuya Franton, nung gabi bago lumabas ang board, ‘Ngayon palang kino-congratulate na kita’. Takbo ko non sa kwarto ko at umiyak ako.

Lolo, naalala ko pag sinasabi mo lagi sakin na papasa ako. At wala ako rason para hindi ko to mapagtagumpayan dahil puno ako ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa kaya magtatagumpay ako. Napakarami mo binitawang salita bago ako mag-board. At thank you talaga, Lolo.

My Fajutagana and Muñoz family, hindi kayo nag-doubt sa kakayanan ko. Napakalaking suporta nyo at dasal. Salamat po sainyo.

Sa mga guardian angels ko, si Lala. Bago ako umalis pa-Manila. Pinuntahan ko puntod ng Lola ko. Siya ang isa sa mga unang tao na magiging nurse ako. Estudyante palang ako, siya na nagging unang pasyente ko. Estudyante palang ako, laki na ng tiwala nya sa mga kakayahan ko. Thank you Lala. Lucky charm talaga kita. Ganon din naman ang mga tinawag ko pa sa kalangitan na si Nanay Eli at tatay Adi. Alam ko ginabayan nyo ko. At sa lucky charm ko na si Tya Neneng, she’s a special child. Tita ko sya. She passed away. At alam ko, lagi lang siya andito. Sa room ko, may picture siya, at alam ko, love na love ako noon, at alam ko isa talaga sya sa lucky charms ko. ☺

Yung taong nagpa-aral sakin, I want to make that person proud. At hindi siya deserving na bumagsak ako dito, isa yun sa mga rason kung bakit ako nagsumikiap pumasa. This is also for you Aunt Loida. Also to Tita Allan and your family members. Thank you sa suporta at pagmamahal at tiwala.

To tell you honestly, I’ve been praying hard for this.

Pag po nagdadasal po ako, lagi ko sasabihin na Lord, alam ko po ibibigay niyo po sakin ang lisensya ko dahil alam ko po alam niyo po ang desires ng puso ko kung bakit gusto kop o maging nurse. Mahirap maging confident, pero mas masarap maging confident kasi alam mo na si Lord na bahala sa lahat basta binigay mo kaya mo at alam mo hangarin mo. I had that faith.  Despite all my fears, hinayaan ko na lang si Lord na magmanipula ng lahat dahil ginawa ko lahat ng makakaya ko. Hindi ako nag-doubt sa sarili ko dahil alam ko kasama ko siya. Sobrang hirap. Pero alam ko kaya ko, kelangan ko kayanin dahil gusto ko ‘to.

Pag nagdadasal ako, lagi ko sasabihin, ‘Lord, one take lang tayo ha?’. Napaka-laking bagay ng lalim ng relasyon ko sa Diyos. Sa mga araw na natapos ang NLE, gigising ako at magdadasal at sasabihin ko, ‘Lord, naniniwala po ako gagawin niyo po akong RN’ Natutunan ko kasi na kelangan tumigil na tayo sa ‘I think, I think’ dapat ‘I believe’. At yun. Puro ako I believe, kahit minsan dadating sa point na manghihina ako bigla, sobrang ibabalik ako ng faith ko. Napakalaking bagay na naipasa ko yun.  Iniwasan ko, mag-doubt sa sarili ko. Sobrang daming biyaya sakin ng Diyos kaya wala akong kahit anong rason para mag-duda sa mga biniyaya Nya sakin. Yun lang lagi nakakatatak sa isip ko. Yung kwarto ko, notebooks ko, papers ko, puno ng Mary Ann F. Muñoz, RN. Oo, may RN na. Para ma-motivate ako. Para ibig sabihin, wala ng atrasan, hindi na pwede mabawi. Kelangan ko magtiwala sa kakayahan ko. Pag gising ko, makikita ko na agad ang note na Mary Ann F. Muñoz, RN Take One. At itinatatak ko sa isip at puso ko yun. Sobrang dami kong chechebureche kasi kelangan ko magtiwala sa sarili ko.

Sabi ko nga, napakarami ng tao na nagdadasal at tiwala sakin. Oo, napakarami. At sabi ko sa sarili ko, hindi ko sasayangin lahat ng dasal nila at suporta sakin. Ang laking bagay na may mga taong sumusuporta sayo. Nakaklakas lalo ng loob.


Higit sa lahat, gusto po ng puso ko maging nurse. Hindi lang nurse, but a registered nurse. Sabihin na natin na, nung una, hindi ko choice ang nursing pero ngayon, hindi ko na ma-imagine ang sarili ko na hindi nurse. Sobrang saya na nakapasa ako.

Kung noon, gumigising ako at magdadasal na ‘Lord, naniniwala po ako gagawin niyo po akong RN’ o kaya naman ‘Lord ako po si Mary Ann F. Muñoz, RN na ko diba dahil yun ang gusto mo para sakin sabay smile and I love you Lord’. Oo, ganan ako magdasal pag-umaga.  Ngayon ganito na ‘Lord, thank you po at RN na ko. Love you, Lord and smile.’ Ganito pala talaga Lord ang feeling. Swabeng swabe, tagos sa kaluluwa ko. Para akong nanalo sa kung saang pageant o higit pa doon. Galing mo talaga, Lord!

Higit sa lahat, para to Sayo, Big Boss. Ikaw ang kasama ko. Ikaw ang Super hero ko.

I am Mary Ann F. Muñoz, a newly Registered Nurse. My license is for all of you guys.

☮♥☺.

LORD, I MADE IT! ONE TAKE!

No words can express how exactly I felt last August 20. Saturday night. I woke up past 1 in the afternoon, anxious and pressured.


I walked back and forth and couldn't stand nor sit still. Presuming that I was having tachycardia. I checked on my facebook and found out that some good friends already sent their greetings to me. Take note,  the results weren't released yet that time. Seeing those posts made me feel really nervous which led me to disabling my wallposts because i was becoming more anxious. Before I left home, I logged in to my facebook account and checked my application of 'God wants you to know'. I closed my eyes, had some deep breathing exercises and finally checked it out. It says there,
that if you relax, it comes. Don't seek, don't search, don't ask, don't knock, don't demand - relax. If you relax, it is there. If you relax, God shows you the way. I was struck. I quite felt a relief. I told myself, okay, win or lose, I did my best so I enabled my wallposts back. Went to church and prayed. There was a 50% relief. I headed then to Jaica's place to be picked up by patten's cousin, Kuya Kirby. As jaica and I were waiting for Kuya Kirby, it was so obvious that my anxiety level was increasing. It was 6pm when I was seeing some posts at my facebook news feed congratulating Yogi, a topnotcher from our school. That made me 100% anxious. I have no access to the internet, I didnt know what to do best because I wasn't at home. Tots arrived, picked us up and headed to bluroze, we were about to attend a party. I was still feeling uneasy. I didn't know who to call on to check the results. Patten was at his design class. Since I didn't know what to do, i sent patten a lot of pings and disturbed him on his design class. He went to the computer shop. I was about to cry. Why isn't patten calling? Did I fail or what? I've been seeing posts like congratulations, rn to some of my friends yet nobody has congratulated me yet. I was really bothered and can't help it so I called patten. And he found my name on the list of the July Nursing Licensure Exam Passers. I cried and tried calling up my father but his number was out of reach so I called my brother, and he was really happy. I was in tears. Wow. The first person to hug me was Jaica, then tots and aiz. I was crying the whole time because I really can't believe I did make it! Not that I doubted myself for making it but because I was really nervous. God is forever great. I was speechless and cannot say the exact words. The flooding of greetings started on my facebook.Wow.

After the party, went straight at SM Lipa to meet up with my hs buds to celebrate Abby's birthday. Too bad that I really can't join them so I made it to the point that I'd just drop by. As soon as they saw me, they were holding some tissue papers with congratulations, Mary Ann F. Munoz RN. Wow. And then I went home. my nephews welcomed me with warm hugs and kisses. My whole fam were proud. The nonstop greetings on facebook and twitter were overwhelming. I couldnt explain the feeling. Intense feeling of euphoria, perhaps. God is too Great. God is Almighty. I am very blessed.

Passing the board was something that I really prayed and worked hard for. Something that could make me happy this year. The best gift this year. Well, it's the only gift I asked from God this year.

I guess when you really pray for something so hard and when you really work hard to get that something, God will give it to you.


It was on December 2007 when I started praying for my license. And from then on, I never stopped from praying for it. And the long wait is over.


Lord, you’ve been so great. I just had the best day of my 2011. I could never thank you enough Dear Lord for everything, and to you Mother of Perpetual Help, you’ve been true to 
your words.

I am really glad I made it.


I am grateful for the people who stormed the heaven with prayers. My family, my friends, Patten and his family & relatives, my relatives, my Aunt, my CFC family, my upings, my batchmates.  Sobrang saya po.

Euphoria. This feeling is so intense that I cannot thank that one Great Man above enough.

Here’s a funny story. I fell asleep while taking my exam. 5 parts, and I managed to take some series of non-rapid-eye-movement and had my eyes really shut off during the exam. I had to do that because my eyes were very bulbous from NP1-NP5.  Hihi.





LORD, I LOVE YOU. TRULY, YOU ARE TRUE TO YOUR WORDS. 

The first proof that was tagged to me, from Patten. He was the first person to check if I passed or not.

Another tag from my best friend, Tine.

THANK GOD FOR EVERYTHING. THANK GOD FOR ANSWERED PRAYERS. THANK GOD FOR THE PEOPLE WHO LOVE ME AND PRAYED FOR ME. THANK GOD FOR MAKING ME MARY ANN F. MUÑOZ, RN. THANK GOD FOR TAKE 1.

I am truly grateful. I gave my best and God just did the rest. 

Love,
Mary Ann F. Muñoz RN





the little kid


September 5, 2011

Cloud9.

HI DEAR TLKC,


Wow! Its been three weeks (I guess) since I last wrote here. Actually, I just dropped by now. I'm in Cloud 9 for two weeks and 2 days now. You must know why. I still couldnt put the pieces of my joy together. God has been so Great. Really Great. I have stories to tell and I promise to make it all up to you this week, okay? 


Remember about that something that I've been praying hard for? I GOT IT. Yeah, I got it! I did! Oh Yeah! So many blessings. God is Great. Ive been really blessed. 


Well, that would be all for now. I love you and I will see you in a few days, okay? Promise.


Yours Truly,
little kid/ Mary Ann F. Muñoz RN


(Yes, I am Mary Ann F. Muñoz, now a Registered Nurse and Jesus is my Super hero. NOW YOU KNOW WHY IM THIS HAPPPPYYYYYYY :-D. See you on my next post)