Gaya ng Dati
by: Gary Valenciano
Dati-rati
Laman ng puso mo ay ang pangalan Ko
Lagi Ako sa isip mo
Dati-rati
Inaawitan pa labi ay may ngiti
Mga mata'y nagniningning
Ngunit ngayon nagbago ka
Nasa'n na ang init ng pagsinta
Pangako mo'y hindi magwawakas
Di ba't noon
Samyo ng bulaklak at ihip ng hangin ay kapansin-pansin
Di ba't noon takbo ng oras ay di mo napapansin
Laging naglalambing
Ngunit ngayon naglaho na
Sigla't tamis ng iyong pagsinta
Pagmamahal Ko ba'y kailangan pa
Ooh
Dati-rati
Mga pangako Ko'y kandungan mo't lakas
Sa pagsubok ay kay tatag
Di ba't noon
Sa kaibigan mo'y Akong bukambibig
Bakit ngayo'y anong lamig
Di mo alam Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay
Naghihintay, ohh
Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa aking pagmamahal
Lumapit ka't ako'y naghihintay
Di mo alam Ako'y nasasaktan
Sa di pagpansin sa Aking pagmamahal
Lumapit ka't Ako'y naghihintay
Panginoon
Ako'y nabulag ng mandarayang mundo
Ako ay patawarin Mo
Mula ngayon ang buhay kong ito'y
Iaalay sa Iyo gamitin mo ako
Gaya ng dati
Gaya ng dati
Gaya ng dati
Dahil tagalog ang kanta. Tagalog ko rin ito i-papaunawa at ilalathala. Nung isang taon, Disyembre 2010. Ang kantang ito ay maya't maya ko ng naparinig sa Videoke. Nung una ko ito naparinig, para bang hinihila ang dalawa kong tainga sa kantang ito. Ang himig, tono, patok na patok sa aking pandinig. Nakakabusog sa puso. Hanggang sa ito'y inawit ng aking pinsan na si Joshua. Siya yung hndi papalampasin ang kantang ito pag nakahawak ng mikropono sa Videoke. Pinakinggan ko muli at binasa ang lyrics. At talagang dinadama ng puso ko bawat linya. Walang halong kasinungalingan o kur0-kuro. Pero talagang kinuha ng awit na ito ang aking atensyon at pinukaw ang aking pagkatao. Kumbaga, nakaka-gimbal ng pagkatao sapagkat subalit datapwat ay ako ay lubos na nakakadama ng sinasabi at pinaparating ng kanta. Para bagang ako ang nilalang na tinutukoy ng kanta. Saktong sakto, palong palo. Kagabi nga lamang, simula ng ang kantang ito ay nai-bluetooth sa'kin ng kaklase ko ay talagang hindi ko pinapalampas ang bawat gabi na ipipikit ko ang aking mata na hindi ito mapaparinggan. Kumbaga, isa sa nagsisilbing dasal ko narin ang kantang ito. Tulad nga ng nangyari kagabi, nagdsal ako at ipinatugtog ang kantang 'to. At hindi ko nalalaman at hindi ko mapigilin ang pagpatak ng aking mga luha. Alam ko, para sa akin ang kantang ito. Pero kagabi, sa kabila ng lahat ng nagawa kong pagkakamali, iba ang naramdaman ko. Naramdaman ko ang lubos na pagmamahal ng Panginoon na umaapaw sa aking kaluluwa (kung mayroon pa nga akong kaluluwa, biro lang :P) . Walang halong biro, iba ang saya sa puso ko kagabi. Para bang binubuhay ako lagi Nya. Para bang ang gaan lang ng lahat. Hindi ko alam kung paano ilalagay at isasa-sulat ang kaligayahan na naramdaman ng puso at isipan ko ng gabing yun. Ang masasabi ko lang ay talagang nagpapasalamat ako sa nasa Taas, na KAMI paring dalwa ang magkasama. Ako at Siya. Walang iwanan. At patuloy niyang pinupuno ng kaligayahan ang puso ko, ilang beses ko man siya nabigo, hindi siya tumitigil. Lalo niyang pinag-uumapaw ang ligaya at pag-ibig sa buhay ko. O Panginoon, mahal na mahal kita. At kung mayroon mang isang relasyon sa buhay ko na kahit sino ay hindi pwedeng husgahan, 'yon ay ang relasyon ko po Sa Inyo. Dahil tanging ako at Ikaw lamang Panginoon ang nakakaalam ng lahat ng nasa puso at isipan ko. TAYO LANG, Lord. Gaya PARIN ng DATI. Ayoko magpanggap na kahit sino sa mga naging pagkakamali ko, lumalapit po ako ng buo Sa Inyo. :) TAYO LANG LORD!
Hindi ko man magawa ang mga bagay na nagagawa ko noon, sa maliit kong paraan ay pinupunan ko ang mga naging pagkukulang ko. Ganun parin, Lord. Gaya ng Dati. HINDI MAN NILA NAKIKITA, pero alam ko po. Alam niyo po iyon. :-)
Hindi ako nahihiya. Hindi ako perpekto at natuto ako. Hindi ako nahihiya kung sasabihin ko na ang naka 'bold' na linya. Yun ako. Ganun ako, dati-rati.
Paborito kong linya sa kanta.
Walang nang mas sasaya pa, at mas makahihigit pa sa ligaya na nararamdaman po ng puso ko, dahil Sayo. Mahal na mahal kita, Lord!
No comments:
Post a Comment